Iniisip ko, "Bakit kaya gustong magka-posisyon ng taong ito sa gobyerno, gusto lang ba niyang maglingkod, o may ibang balak kaya't gustong pumasok sa politika."
Kapag gusto mong maglingkod - yung tipong maglilingkod lamang, hindi na kailangang ipagmalaki ang iyong nagawa, 'di na kailangan isigaw sa buong mundo kung san ka nag-aral, 'di na kailangang sabihing laki ka sa hirap, hindi na kailangang manira ng kapwa politika, sa dahilang kaayusan at kapayapaan ang hinihangad para sa sintang bansa. Dapat maging masaya nalang dahil may tao pang nais maglingkod at gustong baguhin para sa nakakabuti ang isang bansa. Manalo ka man o matalo, maging masaya ka nalang.
Kapag ito'y ginagawa ng isang politician, alam na this!
Isa pa! Bakit yung mga corrupt ang kakapal ng mukha? Hindi na nahiya, hindi ba sila naaawa sa mga taong wala nang makain mga taong pinagkaitan ng matiwasay na buhay. Bawat pera ng sambayanan na ipinapasok ng mga corrupt sa kanilang bulsa, ay nagdudulot ng paghihirap ng mga mamamayan sa tahanan, transportasyon, internet, at marami pang iba.
Sa darating na May 09, 2016, matatapos na ang termino ng ating kasalukuyang Presidente, Bise-, Senador at mga LGU officials. Sila'y mapapalitan, tataas ang posisyon o mananatili. Tayo'y magdasal sa Panginoon na maging isang maunanlad, payapa at disiplinadong bansa ang Pilipinas sa kamay ng mga bagong halal.