Drap Awt
Panay ang hingi ng baon at bonus
Pero sa ulo'y puro hocus pocus
Inaalikabok na ang mga libro
At hindi na nagrereview
Laging DOTA at Facebook ang nasa ulo
Tinapay ang palaging hinihintay
DrapAwt naman palagi
Panay ang bihis ayos
Ngunit ang simpleng exam ay di matapos-tapos
Paano ka aasenso
Kung puro bato ang iyong ulo
Paano makakapag-isip
Kung panay lagi ang iyong trip
Kaya Bukas pagsikat ng araw
Wag ka nang sumayaw
Wag ka nang gumumik
Wag ka nang maghapi-hapi
Pagkat, ang iyong erpat
Ay, nababangkrap
Kailangan mo, nang umuwi
Sa inyong probinsiya
At mag- Araro
Dahil ang iyong mga grado
Ay Puro Singko
No comments:
Post a Comment